it's random..it's free..it's all for the benefit of enduring selfish freedom..",that all may take the same amount of love, truth and peace",
Tuesday, February 15, 2011
Sunday, February 6, 2011
sino ang killer?
John Mark MARIE Tacapan asks:
ano ang magiging reaksyon mo kung nagising ka isang madaling araw at may taong di mu kilalang nakatayo sa pintuan mo?
Erick Glenn Juanich answers:
magpapanggap na patay..hindi hihinga ng pinakamatagal sa kakayanan..pagkatapos from time to time bubuksan ang dominant na mata at magpapahalatang nagpapanggap na dead..malalaman ng sino mang tao yun..at ilalabas nya ang kanyang bread knife..saka walang pagaalinlangang itutusok sa mata mong nakapikit...kitang-kita ng other eye mo ang lahat.makakaihi ka sa brief mo. aagos ang maligamgam na likido sa plug ng koryente at makokoryente ka hanggang 3rd degree burn...makakaabot sa ER tirik di lang ang mata mo pati buhok pero di na sapat ang panahon. tutunog ang ECG machine, pulse oxi, BP... gagawin ang lahat,may lips to lips na revival method,defib..maya maya ay..tooooooooooooooooooooooooooooooooooooooot...aalisin ng doktor ang mga aparatus sa katawan mo..at lalapit ang isang kaibigan.. makikita ang isang malametal na bagay na masusing nakatago sa kanyang bewang at isang baller band sa wrist na my tatak na "in a relationship"..isang bread knife na my bahid ng dugo ng isang inosenteng ikaw..

Saturday, February 5, 2011
Thursday, February 3, 2011
"bangs"
hindi natin hawak ang bawat sandali
ito ay isang katotohanang mahirap mang tanggapin ay kailangang maintindihan
may mga taong darating, merong aalis
may mga bagay na bigla nalang mawawala
may mga sitwasyong magdadala sayo ng masaklap o magandang kapalaran
may mga serkumstansyang madudulot ng ngiti at lungkot
ang buhay ay isang paglalakbay na puno ng kawalan ng kasiguraduhan

tulad ng larawang ito...
isang karumaldumal na tanawin
subalit kapalit ay isang karunungang sa lahat ng pagkakataon
pwedeng mangyari ang hindi katanggap-tanggap
mga posibilidad na hindi mo akalaing maisasakatuparan
sabi nga eh "ang buhay ay sadyang ganyan"

gayunpaman ay may magandang balita
isang pabatid na ang mijura ng langit ay makatarungan
na hindi lamang ito pabor sa pogi o pangit man
maharlika o sagigilid
dahil umiikot ang roletas ng biyaya at kamalasan
nagbibigay ng pag-asang my katapusan ang lahat
at maaaring bukas ay isang kayamanan ang naghihintay sa'yo
kayamanang maaaring literal o konotatib lamang
ng isang kaunlarang pangekonomiya o pagmamahal...


