Thursday, October 20, 2011

Kung sa tingin ng lahat ay mabait ka at masayahing tao sa pag-outweigh ng mala-Richard Gomez mong ngiti sa simangot (not to mention ang pinipeke mong nunal sa mukha); kung sa palagay ng mga kaibigan ay makulit ka at pilyo sa hiwaga ng mga mata mong supremo ang kakayanang humanap ng deperensya sa pisikal at iba pang aspeto ng pagkatao’t gamitin sa ngalan ng katatawanan; kung sa paningin ng mga magulang mo ay ikaw na ang pinaka- poging bunso at maabilidad maglaba; sa mata ng Filipino-African- American citizen mong nobyang si chepoy ikaw ang pinakamalambing sa pag banggit mo ng...”mahal;” at para sa akin naman ikaw na ang pinamaswerte sa kapal ng buhok mo sa kilikili at binti, masasabing sa pangkalahatang depinisyon mo ikaw ay dakila hindi lang sa pagiging drayber mo, kundi narin sa bilis ng dila mong punain ang iksi ng patilya ko.

Sa bawat pagpihit ng silinyador at liko sa kurbada ay mapapaADCOM ang mga supervisors kung bakit hindi ka sa maintenance nagtrabaho. Walang kwentang pag-usapan ang duty gayong isang katotohanang ikaw ay tumanda nang kasama nina ate Juanji at ate Ruth sa serbisyo at magtetestismonya ang bawat pasyenteng ikaw nga ang pinaka- maaruga sa lambot ng kamay mong haplosin ang kanilang lagnat sabihin mang cyanotic ang dulo ng mga daliri mo.

Tumahimik ang hallway, ang GS naman ay halos bahayan ng mga hayop- gubat sa kawalan ng mga instansyang ang mga tawanan ay abot sa hanggang CSR, masasabing extinct si Stephen sa pagbuga ng masamang hangin gamit ang kanyang likuran, ang tennis court ay bagot na sa kakahintay na marinig kang kausap si che sa telepono pero hindi na ito mauulit, ang bona’s chaolong ay kakainin ng dalawang doble ang tagal dahil binakunahan ng bilis mong kumain na para bang yakult ang temperatura nito, si patrick ay naka get over na sa amoy ng daliri mong inakalang perfume pero sa buttcrack mo dinukot, ang mga kaibigan ay normal na bumalik sa pakikibaka laban sa inconsistent na paglubog at pagsikat ng araw... subalit isa sa apat na diskurso sa kanilang mga isipan ay ikaw...ikaw na may lakas ng loob na magsalita sa harap ng karamihan sa ngalan ng pagkakaibigan, ikaw na magmamaneho ng konbersasyon sa kapakinabangan ng pag-express ng bigat ng mga saloobin, ikaw na may guts na makipag- talo sa pagpapalaya ng mga naimpid na ngiti at ingay.

Oo nga’t best tenor ka sa pakiramdam mo, at para sa amin naman ay isa kang garalgal na boses ng kagalingan sa bawat pag-birit mo ng “BABABITCHIBABA.” Ngayon ay marerealize na ang pangarap mong mapunta doon sa dakong ikaw ang kahit papano ay maharlika dahil sa fair mong kulay sa mata mga ka-rasa mong masama mang sabihin ay tila ebolusyon ng mga panahong humihinga pa ang mga uling.

Sa mga pinagsamahang hindi man sinadya ay nag-iwan ng masasayang marka sa memorya at kuwaderno ng karanasan; sa lahat ng oras na nagastos sa walang humpay na pakikipagsapalaran sa sarili at minamahal; sa mga kwentuhang inabot ng dapi’t hapon at tiyak na habang buhay, maraming salamat. Siguradong hindi ka malilimutan sa lahat ng pagkakataon at pag- lingon. Sa muling pagkikita ay walang magbabagong pagkakilala at kulay (maaaring literal). Ang lahat ng proposisyong iniwang di kontento ay babalikang muli at susuklaying kasabay ng sinsirong paghigop ng mainit na kape o di kaya ng paborito mong shirley’s temple. Sa pagpikit ko ng aking mga mata, isang taimtim na talata ang sa itaas ay dalangin...makabuluhang buhay at kaligtasan ang para sa iyo ay hiling.

No comments:

Post a Comment