inexpect kong magising ang bata sa sakit pero nadiskorahe ako at walang nangyari
syempre dapat nakaincorporate yon sa main IVF unless nalang Rx xa at titiisin ang sakit ng bitamina sa murang ugat ng may pahintulot ng matiising inay
napagdusahan ko na ang konsekwensya ng krimen, gumawa pa ako ng tula...(",)
nagdaan ang mga araw at taon dito parin ako
ang lahat ay naging pangkaraniwan
pero ang bawat pangkaraniwan ay my hustisyang kapalit
kabutihan man o kasamaan ay siguradong may hatol
may mga bagay na nagaganap ayon sa “dapat”
labag pero katanggap-tanggap sa karamihan
mahirap ang mabuhay sa buhay na puno ng komplikadong pamamaraan at utoridad
sa paniniwala ng publiko at libro may mga instances na itinakdang mangyari
mga bagay na kailangang mapatunayan ang pagiging makatarungan ng pagkalikha
dahil hindi lahat ay produkto ng random na kaisipan
kung bakit hindi pwedeng lumipad ang mapagmataas na tao tulad ng mailap na mga ibon
o ang mga galising na aso at pusang gala sa loob ng hospital compound
dahil ba mas hindi katanggap-tanggap ang mahulugan ng dumi ng tao, pusa o aso habang ngpaapahinga sa lilim ng mga berdeng palms sa harap ng tennis court
bawal lang ba ang dumaan dun o bawal din ang tumambay?
kung sabagay mas malaki nga naman at mas mabaho ang tae ng tao kesa ibon
o di kaya dahil hindi lang tayo sanay?
kung may PHIC lang makikitang puno ang mga gusgusing alcohol containers sa hallway
si maam edna lang ang pinakamagaling na ward clerk sa buong kapuluan
20 pesos lang ang presyo ng paborito kong bread sticks na cheese!!!
si DJ ruado lang ang best loader na hindi nawawalan ng listahan ng pautang
si ariel lang ang may pinakamaraming buhok sa kamay sa buong ospital
ito ay mga katotohanang hindi pwedeng mabago
universal truth kung baga
pag wednesday tipikal ang malate at madelay dahil sa corporate worship daw
ang pagdilute ng Piptaz o Vigocid ay walang nasabing lebel, te to!!??
ang dami ng PM shift na follow ups ay depende sa sikmura ng mga AM at Noc shift duties
bahala na ang inyong mga pananaw
mga bagay na hindi eksaktong madadatnan
ang ibig kong sabihin gaano man karami ang mga posibilidad ay may mga bagay na talagang angkop ayon sa kung ano ang status quo o pagkakataon
at meron ding malleable ang yield o resulta
maging taliwas man ito sa nakagawian o batas
dahil artbitraryo nga ang buhay, relatibo sa tagalog
may mga bagay na gaano man kahirap tanggapin ay ganon na lamang ang pinaka pwede
mga kaganapang maaaring mabago ang huli base sa delineation ng gumagawa
sa bawat yugto ng buhay ay may mga alituntuning dapat tandaan
ano man ang mga ito ay walang pwede mag-utos sa sinuman maliban sa kanyang puso at konsensya
ang istabilidad at ikwilibriyum ng sosiodad at mga gawain ay sumusupende sa wastong paggamit ng utak at imosyon sa pagharap sa mga pang araw-araw na regulasyon
halika at magtulungan tayo sa paghakot ng mga hindi na credit na gamot sa station 1 at 2 bago dumating ang mga supervisors at malintikan ang shift
No comments:
Post a Comment