hindi natin hawak ang bawat sandali
ito ay isang katotohanang mahirap mang tanggapin ay kailangang maintindihan
may mga taong darating, merong aalis
may mga bagay na bigla nalang mawawala
may mga sitwasyong magdadala sayo ng masaklap o magandang kapalaran
may mga serkumstansyang madudulot ng ngiti at lungkot
ang buhay ay isang paglalakbay na puno ng kawalan ng kasiguraduhan

tulad ng larawang ito...
isang karumaldumal na tanawin
subalit kapalit ay isang karunungang sa lahat ng pagkakataon
pwedeng mangyari ang hindi katanggap-tanggap
mga posibilidad na hindi mo akalaing maisasakatuparan
sabi nga eh "ang buhay ay sadyang ganyan"

gayunpaman ay may magandang balita
isang pabatid na ang mijura ng langit ay makatarungan
na hindi lamang ito pabor sa pogi o pangit man
maharlika o sagigilid
dahil umiikot ang roletas ng biyaya at kamalasan
nagbibigay ng pag-asang my katapusan ang lahat
at maaaring bukas ay isang kayamanan ang naghihintay sa'yo
kayamanang maaaring literal o konotatib lamang
ng isang kaunlarang pangekonomiya o pagmamahal...



No comments:
Post a Comment