
mapungay ang mga matang may malaking utang na loob sa kapeng lumamig sa kahihintay sa labing hindi magawang ngumiti
lumilipad ang isipan habang nagbabasa ng bulok na kardex
bakas ang mga ugat sa kamay dala matinding aktibidad ng maputlang dugo
kumikinang sa langis ang mukhang pinuno ng tagyawat
nagpapanggap na nag-iisip ang kokoteng blangko naman
di mapalagay ang mga daliri sa pagalaw
naghahanap ng disposisyon sa mga nakakalat na chart sa lamesang dugyot, di napunasan
nakabibingi ang tunog ng hand dryer at bulungan ng AM shift
nakatutuwang pati ang sarili ay panggagalingan ng hindi maintindihang lumalalang iritasyon
huminga ng malalim
nag-aalala sa gabing darating na magdadala ng parehong kapalaran
kasabay ng pagpasok ng mga bonggang supervisors ang ingay ng kumakatok na bantay, pang-umagang hininga at 3 pesos para isang basong mainit na tubig
iniisip na baka masira ang ulo sa mga nangyayari
pilit na pumikit at sinubukang limutin ang lahat
sa muling paglubong ng araw ay may totoong ngiti
at ang lahat ay aabot sa isa pang makulimlim na bukas
lahat sa ngalan ng swabeng lunas
No comments:
Post a Comment