Tuesday, May 10, 2011

bugay

bihira ang taong may mukha ang puso sa trabaho

may tyagang bumunganga ng paulit-ulit

mga bagay na sa pandinig ng karamihan ay nakabibingi

sa visionary nyang prinsipyo ay may pagbabago itong hatid

at hindi man halata dahil sa lahat ng pagkakataon ay nariyan sya at ang high pitched nyang boses

ay mararamdaman ang malaking kawalan makalipas ang isang linggo mula ng mawala sya

ang mga alikabok sa mesa at santambak na backlogs ay panandaliang miinip at magtatakang walang may katulad ng otoridad mong maghatid sa kanila sa endorsement

ngayon ikaw ay hahanapin at magiging laman ng malulungkot na usap-usapan

ng mga taong tumabinge ang sungay sa harap ng ligalidad mo

ang choir ay tutunog na parang piniritong tubig

dadami ang altos pero ang vibrato mo ay phantom na lamang

sa mga baryo ay kakanta kami at makikitang maghahanap ang mga matang kilala ka

magsasalita si ate neng nang di oras

ang schedule ay di na magiging tulad ng dating isang pitik lamang ng kamay mo ay parang gomang mauunat ng walang paltos

kakanta kaming hindi nakaendorse

sa mga pagkakataong ito ay proud akong sabihing malungkot ako ng isa at kalahating aalis ka

ang kasabihang "ang importansya ay maaappreciate lamang sa umpisa at pagkawala ng bagay man o may buhay" ay matapat kong hindi naging basehan

pero kahit di ako siguradong magsasalubong nga ang kilay mo ay wag kang mag-alala

dahil ang legacy mo ay aalalahanin

ang iniwang halimbawa ay maisasapuso

at magiging kanta ng aming dedikasyon

mag-ingat ka at lumiit sana ang sweldo mo nang bumalik ka ng maaga...

No comments:

Post a Comment