
Binibining magara ang damit, nakabraces at maputi, pwede bang sa iyo ay magpahayag; na sabihing lunok laway akong umasal sa bawat sandaling ika’y tanaw. Sa halimuyak ng suot mong isang oras binabad sa downy passion, buhok na daig pa ang hibla ng mais sa olandes nitong kulay; ang malamig na panahon ay iinit sa kaisipang ang hanging hininga ko’y maaaring mula sa iyo. ‘Wag kang lalapit kundi ako’y magpapanggap kunyango.
Pwede bang sandali ay umihi at huminga ng malalim? Ang tugon ng sarili sa panaghoy ng halos pumutok nang pantog sa kaba. Bumalik sa adolesenteng pagbigkas ng mga katagang sa puso ay nagmula. Tiyak tiklop labi sa hiyang masambit ang kagustuhang maidikit sa iyo ang kahit braso ko lamang, sa sulyap mong di man sinasadya ay parusa sa damdaming imahenasyon ang kulminasyon
O hindi nalang kaya katasin, ang sa kailaliman ng sa iyo’y masidhing pagkabihag. Hanggang sa katapusan ay maglingid sa kagandahang di man karaniwan ay handang talikuran. Isang hamak na katulad kong mag-alay ng singsing ay sino,ang kayamanang sentimo saki'y kalakal mo lamang sa kolorete.
Sa karimlan ako'y hayaang yumapak; baon ay supot ng pag-asang ika'y himalang makapiling. Itong abang mangingibig na dangal ay pawang kalyo at kasalatan. Magsabon man ng likas papaya sa paningin mo'y anyong putik parin.
No comments:
Post a Comment